Sabi nila "Maganda ang pakikitungo ng mga Africano sa mga turista." Sumasang-ayon naman ako sa kanila, tunay na maganda ang pakikitungo ng mga Africano sa turista. Mainit ang kanilang pagtanggap sa mga turista na dumarayo sa kanilang lugar. At base sa aking nakalap na impormasyon, Sa Africa, dumating ka man ng umaga o gabi okay lang di ka na mahihirapan dahil may nakaabang na tourists guide at taxi para sayo. Ang tourists guide ang magdadala sa tutuluyang mong hotel at ililibot ka sa mga tanawin sa Africa. Pagdating naman sa tutuluyan mong hotel, halos lahat ng uri ng hotel ay magaganda ang pasilidad at sulit ang bayad hindi ito nakakapanghinayang.
 |
Kinuha sa Pinterest |
Lagi lang sila nakaabang sayo sa gate o entrance ng tinutuluyan mong hotel. Sasabihin mo lang ang mga detalye o oras kung kelan aalis o maglilibot sa lugar. Para malaman nila na ikaw ang kanilang pinagsisilbihan mayroon silang kopya ng pangalan mo. Kung minsan sila ay nahuhuli sa pinagusapan na oras. Huwag kang kabahan dahil baka may pinuntuhan lang kadalasan nilang sinasabi na “African time". Pag hindi dumating ang tao kausapin ang mga empleyado o tourists guide para ihanap ka ng bagong drayber na maglilibot sayo sa lugar.
Paano naman kung mag-isa kang maglilibot sa Africa?
 |
Pag mamay-ari ni Conti
|
Dapat ka ng maghanda na magisa ka lang sa paglilibot sa mga magagandang lugar. Ngunit tulad nga ng aking sinabi, Mainit ang pagtangap ng mga Africano sa mga turista. Kaya naman pag nalaman nila na ikaw ay isang turista sasamahan ka nila't ililibot sa magagandang tanawin sa Africa. Makakahanap ka ng kaibigan habang ikaw ay naglilibot sa Africa dahil minsan ay may makakasabay ka na mga Africano na naglilibot pwedeng samahan ka nila. At ang kagandahan ay marami ka pang makikilalang kaibigan. At higit sa lahat masisiyahan ka lalo hindi lang nakalibot ka at nakita mo ang magandang tanawin kundi marami ka pang kaibigang makikilala.
Ano nga ba ang magagandang tanawin sa bansang Africa?
Table Mountain
 |
Kinuha sa Wikipedia |
Ang Table Mountain ay kapatagang bundok na bumubuo ng isang kilalang landmark kung saan matatanaw ang lungsod ng Cape Town sa South Africa. Ito ay isang makabuluhang atraksyon sa turista, marami ang bumibisita dito dahil sa cableway o hiking sa tuktok.
Victoria Falls
 |
Kinuha sa Wikipedia |
Ang Victoria Falls ay talon sa timog Africa sa Zambezi River sa hangganan ng Zambia at Zimbabwe. Ito ay isa sa Seven Natural Wonder of the World.
Lake Malawi
 |
Kinuha sa Wikipedia |
Ang Lake Malawi ay isa sa magandang lawa sa Africa at ang pinakatimog na lawa. Ito ay matatagpuan sa pagitan Malawi, Mozambique at Tanzania.
I'm leaving on a jet plane. Don't know when i'll be back again ~
John Denver - Leaving on a jet plane
No comments:
Post a Comment